ikaw kasi eh….

ikaw kasi..isa sa mga nakakaasar na marinig na salita, pag ganito ang narinig mo ibig sabihin may nagawa kang kasalanan.

pero mas nakakaasar marinig yan, kapag alam mong wala kang ginawa di ba?!

manisi ng ibang tao, isa sa mga pinakamadaling paraan para mgtakip ng kasalanan..escape goat baga. sabi nga nila kapag ngpoint ka ng finger sa isang tao tatlong daliri nakaturo sayo…

eto ang ngyayari ngayon dito sa pinas, walang hangganang sisihan dahil sa kawalan ng tubig….

sabi ng isang ale sa balita…”naupo ka lang (PNOY) bilang presidente wala na kaming tubig!!! gumawa ka naman ng paraan!!” namamaho na ako! (ahem dagdag ko lang un)

sino ba talagang dapat sisihin sa pagkawala ng tubig?

kalikasan?

yung mga namamahala sa mga dam?

tao?

bakit mo sisisihin ang kalikasan? may kakayahan ba siyang mag isip ng dapat niyang gawin? dapat nga magpasalamat tayo dahil sa biyayang binibigay nito sa aten..pero anung ginawa mo? ko? nating lahat? mang ABUSO ng biyayang binibigay nito dahil ang dahilan natin marami naman tayo nito….

mga namamahala?…ayusin niyo trabaho niyo!!! binabayaran namin kayo!! @?! (sasamahan pa ng mura)

demanding!!! isa pang paninisi..porket nagbabayad kung makapag utos kala mo siya na ang pinakamayamang tao sa mundo…

o ikaw, ako, tayo ang dapat sisihin?

dahil sa paggamit ng sobra sa nararapat, pag abuso at pagpapabaya natin..kaya natin nararanasan to? magisip isip tayo..kung bakit ngyayari ito sa atin..hindi yung puro sisihan at batuhan ng pagkakamali…

imbes na mag sisihan, mag isip ng paraan!

simulan na ang pagbabago sa sarili…tigilan na ang paninisi!!! (huwaw! rhyming!!)

gising pilipinas!!!ūüôā

saglit lang….

sakit sakitan mode…mukhang nabigla sa paglalaro ng volley ball

hahaha mawawala muna ng saglit..

sa muling pagbabasa..:)

keep safe..:)

teleserye

mahilig ka bang manuod ng mga teleserye?

ok, review muna tayo…sino ung bida sa mga teleserye na to??

–> marimar, maria mercedes, maria la del barrio, at rosalinda?

e sino nmang mortal na kaaway nya?

mara^.^ ???

e anu namang title ng teleserye ni eddie garcia kung saan sya naging president? At anu yung sakit nia dun?

nasagot mo ba ng tama?? ?

yan yung mga ntatandaan ko pang teleserye, nung mga panahong uhugin pa ako! haha at napapaikot ng mga ganyang istorya.

kung papansinin mo ang mga teleserye dito sa atin parang  pasyon (fashion) lang..may taon na nauuso ang ganito.

halimbawa…

90’s ¬†usong uso ang mexican drama…sinong hindi makakakilala kay thalia nun? marimar! aw! kay pulgoso at sa mabalbong dibdib ni ¬†sergio ( eewww) ang tema ng mga drama nun, ¬†rags to riches dahil nakapangasawa ng mayaman si babae ¬†o kaya isa pala syang anak mayaman pero dahil sa¬† ayaw ng mga magulang ng lalaki sa nanay nya (vice versa) eh pinaghiwalay sila. ang siste lumaking mahirap ung bida tapos matutuklasan na isa pala syang rich and the rest is history.

mga 2003 ¬†eto naman yung pagpasok ng iba pang teleserye mula sa ibang bansa like taiwan..F4 remember? dao ming xi!!!!!naalala ko pa 1st year college ako, nagmamadali kaming umuwi ni tinay para maabutan lang ang METEOR GARDEN..kasabay nito nauso ang ¬†mga kantang gustong gusto nating ulit ulitin kahit hindi natin naiintindihan yun lyrics! o baby baby baby! my baby baby! so seng nu shang si sheni!! hahaha (ahem!!) isa ako ¬†sa mga yun…tpos sinundan ng koreanovela na hanggang gayon patok pa rin sa atin.

at dahil patok pa rin sa atin kaya ang 7 at 2 ay may sari sariling gawa ng adaptations na to, na kahit hindi naman bagay e ipipilit pa rin, sasabihin may pinoy touch! hahaha para lang may masabi. tsk! kaasar kasi nasisira nito yung magandang iniwan sayo nung original..masakit aminin pero ang galing talaga ¬† ¬† ¬† ¬† ¬† ¬† ¬† ¬† ¬† ¬† ¬† ¬† nating manggaya…(ouch!) haha

fantaserye…nakakaaliw, maganda sa mga mata ang mga props, pero kadalasan corny na. hindi masama ang mag fantasize pa minsan minsan..pero haler! this is reality…

hindi lahat ng kwento ay may happy ending kahit anung gawin nating panloloko sa sarili natin, kadalasan tragic ang nagiging ending…o kaya naman dahil dalawa ang leading men ni bidang babae at para ma please ang audience dahil yung isang kampo gusto si echo at yung isa naman ay si diet…itxt nyo po ang DIET kung sya ang gusto nyong makatuluyan ni____(pangalan mo..:)) o ECHO naman kung blah! blah! blah! at isend sa 666 hahaha anu to lokohan!

predictable, yan ang kadalasang takbo ng istorya…yung tipong kasisimula palang ng palabas alam mo na ang ending. parang tinanong mo ang bata ng 1+1 sa periodical exam! di ka man lang mag eeffort na mag isip sa mga mangyayari….

artista…kahit anung klaseng istorya pa yan..basta si dingdong, marian, angel, o piolo ang bida..papanuorin natin…na minsan kahit mukha nyang binabasa yung script e okay lang sa aten…eeeeehhhhhhh kasi crush ko sya ehhh!!! ( hayyyyy) hilaw ang akting mo teh!!!

sana naman yung meaningful ung kwento may substance ba…, hindi sa pagiging biased pero bakit wala tayong ng katulad sa korea? they are using their history to create a meaningful series, kaya hindi mo rin masisisi kung bakit nawawala na yung nationalism sa atin dahil tayo mismo hindi natin un binibigyan ng value. may history din naman tayo na pwedeng ipagmalaki…at dapat ipagmalaki!

mkakagawa tayo ng ganoon, kaya natin..pero kelan kaya?

salamat sa oras na nilaan mo sa pagbabasa…:)

QSD

Jewel in the palace, Jumong, and now QUEEN SEON DEOK. Stories  about the history of Korea, mostly these stories about gaining territories and protecting a kingdom.

I just finished watching QSD, salamat sa You Tube at sa uploaders. NUng una kong nakita to sa tv sabi common story na naman tungkol sa labanan ng mga kaharian. At dahil busy ako sa school hindi ko pinagpupuyatan…pero at the end of March dahil libre na ang sked napagdiskitahan kong panuoorin, nasa episode 29 na cguro yun..kasi 3 months na siyang ng e air sa 7.

Pero kahit ganun na yung naabutan ko na  hook kagad ako sa flow ng kwento. The usual story pero hanep sa strategy ang mga may ambisyon sa trono.

Reasons bakit mo dapat panuorin…

1. Tagisan ng strategy, pagandahan ng idea at gulatan sa mga mangyayari. pati ikaw magiisip ng strategy kung effective ba o hindi.

2. Political awareness..makikita mo ang ibat ibang uri ng tao at kung bakit gusto nila ng kapangyarihan. Lahat sila gusto ang kapanyarihan para umunlad at maging maayos ang bansa, pero yung iba sa maling paraan.

3. Love story. Dito mo makikita ang diffrent kind of love. Hindi kelangan ng kissing scene para lang makita mo na may love sa mga bida.

4. Madadagdagan ang vocabulary mo..dahil sa subtitle. ¬†Subterfuge, stratagem, blitzkrieg at kung anu anu pa…

Ang  writer ng QSD ay isang halimaw..hahaha! napagsama nya ang  different periods sa history ng Korea sa iisang palabas lang.

Queen Seon Deok ( Princess Deokman) Silla’s twenty-seventh ruler, and its first reigning queen.

Mishil (ang kontrabida) sa QSD pero in reality she is a historical figure of Silla. She is a very important figure in the transcription of the Hwarang Segi.

Bidam (ka love team ni QSD at anak ni mishil) was a Sangdaedeung (highest post of government) during the end of Queen Seon Deok‘s reign. walang masyadong info sa kanya sa history. In reality hindi talaga sya anak ni mishil. Isa sya sa mga ng aklas laban kay QSD.

Yushin (unang ka love team ni QSD) was a general in 7th-century Silla. Sa history pinamunuan nya ang unification ng three kingdoms (Silla, Baekje, Goguryeo)

Korea’s history is very interesting. Sana ganyan din dito sa atin, hindi puro adaptation nalang ng Korea. Maganda din nman ang history natin. ¬†(biglang may pumasok sa isip ko..gagawa ako ng bagong post tungkol sa mga teleserye dito saten..hehe)

Watch QSD! The best!

Thanks for reading…:)

dokyu

umabot ako s edad na ito na kahit minsan hindi ko pa naranasang magpatingin s doktor o maospital, bakit? kasi bhira lang ako mgkasakit ( kasi physically fit ako! ahem!)

pero ngayon ko lang nalaman na hindi pala ako ng iisa, my mga kababayan tayo na sa buong buhay nila hindi p sila nkakakita ng doktor at nkakapunta s isang ospital, hindi dahil s bihira lang din sila mgkasakit kundi dahil sa sobrang layo ng kanilang tirahan sa ospital.

kapapanuod ko lang ng dokyu ni kara david tungkol s ambulansyang de paa, tumatak sa isip ko ang kwento tungkol sa isang bata, si John Lloyd .

heartbreaking na makita mo ang isang bata sa ganong sitwasyon, may sign na ng TB, umbilical hernia at malnutrition.

A must see dokyu of kara david, hindi maipagkakaila kung bakit nya nkuha ang peabody award. An eye opener documentary, sana mapanuod ito n mga tao sa pamahalaan para makita nila kung anung kailangan ng mga taong hindi naabot ng kanilang proyekto.

Thanks for reading and watching this!ūüôā

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.